Feeds:
Posts
Comments

I really do. Damn it. I don’t want to march on graduation day.

Dahil hindi ko kailangang maging kahit ano para maging tao, para maging isang Cheenee na pwedeng magmahal at pwedeng mahalin.

Dahil hindi ko kailangan ng matataas na marka o mga parangal.

Dahil hindi ko kailangang maging pinuno.

Dahil hindi ko kailangang itago ang mga pimples at taba ko.

Dahil hindi ako obligadong maging matalino o matino.

Kay Ninil, pwede akong maging mahina. Pwede akong umupo lang, tumingala, at mamangha. Pwede akong maging tanga. At mamahalin niya pa rin ako. At ibibigay pa rin niya ang lahat ng kaya niyang ibigay para sa akin.

Mamahalin niya pa rin ako kahit ano pa ako — at sapat na iyon.

Sana maintindihan ito ng ibang tao. Huwag sana kayong malupit. Dahil sa inyo, marami tuloy ang namamatay sa mundo.

Daghang Salamat

Kakaibang unang semestre – emotionally, physically, mentally, academically. Grabe. Highlights lang.

* Una, kami pa rin. Himala.

* Binigyan ako ni Bobby Guev ng A. Kung hindi nagkakamali ang AISIS, A nga ang nakuha ko sa Theology of Liberation. Malaking palaisipan ito sa akin dahil hindi naman ganoon kataasan ang mga quizzes ko, ang long test, at lalong-lalo na ang final orals ko noong birthday ko. Hindi ko rin masasabing sobrang astig ng project namin nina Mon at Glenn. Hindi rin ako pala-recite. Nakakagulat lang kasi si Bobby Guev ay kilala bilang isa sa mga pinaka-objective na mga guro. Ang bagsak ay bagsak. Mabait siya. Wow… Sana hindi ko makalimutan ang lahat ng itinuro ni Sir Bob sa akin at isabuhay ko sila. At kung hindi ko ito magawa, sana patuloy kong hangarin ang maisabuhay ko ang mga natutunan ko. Magsisikap ako. Lalo na’t mahal ako ng Diyos. Ito na siguro ang pinakamagandang regalo para kay Sir Bob – ang gamitin ko ang mga natutunan ko para makatulong sa Pagpapalaya. Hindi ko po ito kakalimutan, Sir.

* Binigyan din ako ng Misis ni Bobby Guev na si Marita Castro-Guevara ng A para sa thesis na aking pinakamamahal. Nahihirapan na ako ngayon. Pressure. Pero grabe, hindi ko alam na sobrang langit pala ng thesis. Naaaliw akong matuto ng mga bagay-bagay na hindi ko natutunan sa mga librong nababasa ko o sa internet – yaong pamumuhay talaga ng mga tao na hindi naisusulat, pero kailangan lamang danasin. Ito ang subject kung saan masasabi kong natutuwa talaga ako at para bang hindi ako nag-aaral o nag-susubmit ng requirements. (Nasabi ko kay Mel Yeung na gusto kong mag-research tungkol sa mga IPs sa Pilipinas dahil kulang talaga ang impormasyon, at sabi niya, “Sige gawa tayo ng research. Gawa tayo ng book. Hanap ako ng funding.” Kung sino si Mel Yeung at kung bakit namin ito pinag-uusapan, saka ko na isusulat… Masyado pa akong na-ooverwhelm sa biyayang ito ng Diyos.)

* Dakila si Dr. Z, si Fr. Nemy Que, at si Sir Rapisura/Ma’am Kat. Hindi dahil may B+, B, at B ako mula sa kanila. Pero talagang aside from the Guevara couple, magagaling din silang magturo. Sila yung tipong nagtuturo ng mga bagay na naranasan talaga nila, nadama talaga nila, at mga bagay na talagang pinakaiingatan nila sa kanilang mga puso’t isipan. Kay ganda sana ng Ateneo kung ang lahat ng guro ay katulad nilang lima – Dakila.

* Ang QPI ko ay 3.5, second highest. Wow. Ibang klase. Masasabi kong ibang klase talaga ang nagagawa ng proper time management at pagpaplano. Sa sem na ito, may boyfriend pa ko, may Sanggunian pa, may COA pa, may elections pa, nakilala ko ang mga Aeta, ikinasal ang aking pinsan, umattend ako ng conference sa Cagayan de Oro, nanalo ang Ateneo Blue Eagles. Hanep. Sangkapah?

* Ang galing ni Lord. Grabe. Mahal niya talaga ako. Ad Majorem Natus Sum.

Random Research & Rants

1 – Richie Fernando, SJ
We are meant to be.

I was answering my long test today for Philo when I just got the interest to research more about Richie, the topic of the test. Anyway, Richie Fernando was my section in senior year high school. So I googled his name… and when I read these quotes, I remembered how they moved me about three or four years ago!

“I wish, when I die, people remember not how great, powerful, or talented I was,but that I served and spoke for the truth, I gave witness to what is right, I was sincere in all my works and actions, in other words, I loved and I followed Christ.”

“I know where my heart is. It is with Jesus Christ, who gave his all for the poor, the sick, the orphan… I am confident that God never forgets his people: our disabled brothers and sisters. And I am glad that God has been using me to make sure that our brothers and sisters know this fact. I am convinced that this is my vocation/ mission. I am a Jesuit.I know where my heart is.”

Ayun. Gusto ko rin pag namatay ako hindi bibilangin kung ilang medals ang natanggap ko, pero kung gaano ako nagbigay, nagtaya, at nagmahal para sa Diyos. Gusto kong maalala ako ng mga taong minahal ko… Sana kahit isang beses man lang ay nabigyan ko ng kulay ang buhay nila… Sana minsan naipakita ko sa kanilang nandito lang si Kristo…

At sa second quote, sayang hindi ako Jesuit, pero alam ko rin kung nasaan ang puso ko. Alam ko kung saan ako dapat pumanig sa lahat ng beses…

Richie Fernando finished his AB Development Studies course at the Ateneo.

Hindi ko sinadyang mag-DS dahil kay Richie. Tadhana lang talaga na pareho ang course namin at pareho din ang puso namin. Hahaha! Idol ko siya. I’m so proud I’m a DS major. :P

Sayang Richie, hindi kita nakilala. Close sana tayo ngayon. Hahaha! :)

2 – Philippine Coffee Industry
Local Demand: 65000 metric tons
Local Supply: 30000 metric tons

Ang laki pa ng market o. Sa mga entrepreneurs diyan na gustong makatulong, mabuti sigurong pasukin ninyo ang industriyang ito. Save the Barako! Haha! :)

Gusto ko ng coffee farm! Arabica, Robusta, at Barako ang gusto kong itanim. Kahit 5 hectares lang, ayos na. Hehehe! :P

3 – Rice Importation Sucks
Dahil sa commitment ng RP sa World Trade Organization, required tayong mag-import ng rice of a certain amount every year – may shortage man o wala. Eh biggest importer na nga tayo e!

Kawawa talaga ang mga rice farmers! Hindi ba sakto ang farmgate prices ng NFA  – masyadong mababa. ARGH!

NFA, mababaon talaga kayo sa utang! At sinong biktima? Si Juan (at Juana). Ay nako. Ay nako talaga!!! Masisira ang keyboard ko nito…

Nakakapikon ang mga kurakot. Putek kayo. Sana nalunod kayo sa Bell Field nung bonfire. Hahahaha!

4 – Justice for Rachel Mae Palang

5 – How do you win back one’s trust?

Ngayon Naiintindihan Ko Na

Ang pinakamasakit ay HINDI yung malaman mong hindi ka mahal ng taong mahal mo.

Ang higit na masakit ay yung malaman mong hindi pa pala sapat ang ginagawa mo para maintindihan ng taong mahal mo na mahal mo siya. Yung para bagang may kulang pa pala? At dahil sa pagkukulang na iyon, nasasaktan mo siya…

Yun ang masakit. Masakit kasi nasasaktan mo siya dahil hindi niya nararamdamang mahal mo siya.

It’s as if words and actions are SO inadequate!

I/We Can – ONE WEEK After

I can finish my revised Thesis tools.

I can finish my Thesis. And finish it WELL.

We can finish our Theology presentation for Thursday.

We can report well on Thursday for Cultural Heritage Class and Theology!!!

We can finish our Theology paper.

We can finish our Business Plan and presentation for Social Entrepreneurship.

We can make our prototype for Lilang Tahanan-GAIA.

We can report well on Monday for Social Entrepreneurship.

I can pass my Theology quiz and Theology long test.

I can pass my Philosophy quiz and Philosophy long test.

I can pass my Theology finals.

I can pass my Philosophy finals.

ATENEO CAN WIN THE FINALS.

***

Free will has the element of possibility, of “can.”

Life is for Love

One’s telos revolves around one thing: The giving of one’s self to another person. That’s it. You can’t live without it. You just can’t.

I’m going to be 20 soon and thank God I realized that lesson so very early in life! I am so grateful for this life and I really love it…

But I’m ready for whatever God wants to happen with it.

Tid Bit

I don’t need to love you. I just do.

Sinaunang Pag-ibig

I wrote this poem while we were in the bus going home from Zambales. This had been inspired by my foster parents’ love story, the love stories of Aetas, the love stories of ancient Filipinos, and God’s love. :)

Wala
Wala kang kailangan gawin
Para ibigin kita.

Hindi kailangan ang baka
Hindi kailangan ang kalabaw
Hindi kailangan ang pera

Dahil wala

Wala kang kailangan gawin
Para ibigin kita.

Hindi kailangang mag-araro
Hindi kailangang magtanim
Hindi kailangang mag-ani

Dahil wala

Wala kang kailangan gawin
Para ibigin kita.

Bakit kay lupit ng mundo
Na siyang nag-aatas
Kung ano ang dapat?

Ang pag-ibig ay sadyang
Binibigyan niya ng kakaibang kahulugan.
Ang hindi naman kailangan
Pinipilit na ati’y gampanan.

Subalit alalahanin mo
Na para sa akin
Wala
Wala kang kailangan gawin
Para ibigin kita.

Arched

1. Hindi ka ba nahihirapan?
– Sa palagay ko mas nahihirapan siya…

2. Bigla na lang nawala ang sigla mo…
– That’s what happens to shallow things.

3. Bakit hindi si ***?
– Kasi hindi siya yung mahal ko.

4. How do you deal with pain?
– You don’t?

Older Posts »